Lunes, Marso 15, 2010

Isang Babalikan, Isang Iiwanan


Ako'y nagbalik sa unang minahal


Nang madama ang tunay na pag-ibig
Pagka't 'di kayang tiisin ang lahat
Ng pasakit na siyang dulot mo

Isang babalikan, isang iiwanan
May isang luluha sa 'king pag-ibig
Mahirap mang gawin ay tatanggapin ko


Pagkat hangad ko'y lumigaya
Di ko ibig na ikaw ay saktan


Batid mong nagkasala ka
Ngayong nagsisi ka sa iyong ginawa


Ngunit huli na ang lahat












By: Christy Mendoza









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento